#kwentong buhay
Explore tagged Tumblr posts
Text
Tawagin mo'kong Lucia,
ang babaeng umiibig sayo ng palihim.
At ikaw naman si ador,
ang minamahal ko mula sa malayo.
Hindi ito isang kwento ng pagmamahalan,
sapagkat niminsan ay hindi mo naman ako nakilala.
Bagkus isa itong kwento nang patagong pag-ibig.
Mula sa simula hanggang sa kung paano ito nagwakas.
Buwan ng Mayo noon,
katirikan ng araw bandang alas-dos ng hapon.
Nakapila ako sa loob ng isang paaralan para mag-enroll.
Hindi ko naman talaga gusto mag-aral doon, ngunit yun lang ang pinakamalapit sa bayan namin.
Ngunit hindi ko, inaakala na makikilala ko ang taong magiging dahil para gustuhin kong makapasok sa paaralan na 'yon.
Tahimik akong nagbabasa ng e-book sa cellphone ko,
nang may biglang bumunggo sa akin at naging dahilan para malaglag ang cellphone ko.
Hindi ikaw 'yon huwag kang mag-alala pero isa sa mga kaharutan mo noon.
Kung tama ang tanda ko si Roy yun.
Nag-sorry naman s'ya, at tinanggap ko iyon kasama ang pag-abot nya sa cellphone kong nalaglag.
At sa pag-abot ko, ay siya rin na pagkahagip ng paningin ko sa gwapo mong mukha.
Oo, gwapo ka. Mestiso na may mamula-mulang mga labi, mapupungay na mga mata at matangos na ilong.
Kinikilig ako noon, pero syemper hindi ako nagpahalata.
Magpapasalamat sana ako at magpapakilala na rin,
ngunit noon ako'y mahimasmasan wala na kayo sa harap ko.
Naglalakad na kayo palayo.
Napapaisip ka na siguro kung kaylan 'yon nangyari.
Year 2008, magse-second year college ka na noon sa kursong Engineering. At ako naman, ay in-coming 1st year sa kursong Accountancy.
Lumipas ang dalawang buwan pagkatapos ng mga pangyayari noong enrollment, at nakita ko kayong muli na magkakaibigan.
Nakaupo sa pinakasulok ng Canteen at mga nagtatawanan.
Mag-isa lang ako noon, kahit ayaw ko sa ma-ingay at pinili kong umupo malapit sa inyo.
Pinili ko yung parteng malaya kitang mapagmamasdan,
na walang ibang taong makakakita sa ginagawa ko,
kahit kayo mismo ay hindi ninyo ako napapansin.
At simula noon ay naging ganoon na ang naging routine ko sa araw-araw ang panoorin ka, hindi lang sa loob ng canteen kundi sa kahit saan na lugar na maaari kitang tanawin mula sa malayo.
Ang panoorin ka mula sa bulwagan ng paaralan,
tuwing hinihintay mo ang kung sino man na bago mong kasintahan.
Hanggang sa mag-uwian ay pinapanood kita, at hinahatid ng tanaw ang papalayo mong saksakayan.
Sa loob ng apat na taon ay gano'n ang naging takbo ng buhay ko,
nagawa kong mahalin ka ng lihim, panoorin ng tahimik.
At samahan sa bawat masasaya at malulungkot na tagpo ng buhay mo.
Nakita kong paano ka naging masaya sa tuwing napapasagot mo,
ang bawat naging kasintahan mo. At kung paano ka nadudurog sa tuwing na tatapos ang mga naging relasyong mo.
Dahil sa iba't ibang dahilan.
Nagiging masaya,malungkot at paulit-ulit akong nadudurog noon.
Masaya para sa kaligayahan mo, ngunit malungkot at durog para sa kabiguan ko.
At mas lalong nalulungkot at nadudurog para sa mga kabiguan mo.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos,
magkasunod ang araw ng graduation natin.
Kaya naman noon araw na nakuha ko ang Diploma ko,
ay s'ya rin na araw na nag-desisyon akong umamin sayo.
Sa araw ng graduation mo, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
Sa pag-uwi ko sa aming tahanan kasama ang akin mga magulan,
ay laking gulat ko na andoon ka.
Nakatayo sa sulok ng bahay namin at katabi ang nakakatanda kong kapatid.
Magkahawak ang inyong mga kamay, at masayang nag-uusap.
Napatingin kayo sa kinaroroonan, lumapit kayo sa akin.
At para akong nawawalan ng buhay nang ipakilala ng ate bilang kasintahan nya.
Ngumiti at nag-Hi laman ako sa iyo, at dali-daling nagpaalam na ako ay papasok na sa kwarto ko. Dahil, biglang sumakit ang ulo ko.
Pero ang totoo, yung puso ko ang masakit.
Tila nadudurog ito, nang ilang libong beses.
Oo, na andiyan dito ka ngayon sa tahanan namin.
Kilala mo na ako, ngunit hindi biglang babaeng nagmamahal sayo.
Kundi biglang nakakabatang kapatid ng bago mong kasintahan.
8 notes
·
View notes
Text
I miss Jollibee! Hindi ko pa din ipagpapalit sa kahit anong posh resto ever. Pag uwi ko susulitin ko talagang mag Jollibee with family. đ
Hindi ko alam kung bakit, Jollibee in Saudi neither in UK doesnât even come close to the taste especially ng Jolly chicken nor Jolly spaghetti sa Pinas đ€
On the photo were my two friends that has totally different characters and personalities, Jen is one my to-go person if I need someone to talk to about random stuffs in life, like sheâs just always there to listen, without any judgment. She never invalidates my feelings or opinions, most of the time she agrees to disagree, explain her point in a nice and very polite way. And she just tell me kung saan ako masaya, dun sya. And I think we all need a friend with that kind of energy, donât we?
Unlike my other friend, Debbie May. She diagnosed me as depressed and anti-social which Iâm still trying to process if saan ang pinagggalingan nya ng opinyon nya towards me quoting me as âdepressedâ and âanti-socialâ just because I am not on Facebook or Instagram at the moment. (And I was like, âwhat? Kelan ka pa naging Psychiatrist!?â I mean for me thatâs major. It kind of hurt my ego to be honest.
I have always thought that I am very self aware and I work on it everyday. Just because I realized how important self-awareness is. Nothing can easily bother and triggers you when youâre self-aware. I try my best not to argue anymore or to explain myself. In the past, I used to be the kind of person that argues a lot and feel the need to explain my point, but growing old and becoming more matured, I just feel like I donât have that energy anymore. What matters is I know what works for me, how to maintain my peace and I intend to do it for I as long as Im comfortable.
Some people just donât get it and thatâs totally fine. I guess Iâve just had enough of all the chaos in social media and it takes too much of my time, it came to the point where it became very unhealthy.
So, no, I donât think Iâll be back anytime soon. Except of course for Tumblr. No body knows me here and I feel like this is my safe space that I will never find in any social media platforms. âš
10 notes
·
View notes
Text
Sana ganito tayo lagi. Pag may mali, nakikinig. Hindi yung mali ka na, pinapanindigan mo pa.
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines#kwentong buhay#usapang pag ibig
4 notes
·
View notes
Text
WORK ELO #2
Ang funny, dami kong work bigla. (Online shopping, open social media accounts, at mag-pacute lang sa upuan) hahaha.
Nag-message pala sa whatsapp yung isa kong officemate na pangalanan nating si Alchohol, girl siya. May uminom daw ng gatas niya sa ref. Tinapon pa yung box ng milk sa mismong basurahan niya. Tapos sabi ko naman na, yon yung cute na na guy na pinag-uusapan namin nung nakaraan. Ang sabi niya "chaka, dahil ininom nya gatas ko, chaka sya." R.I.P sa milk mo Alchohol, bawi next time.
PS: Pati pala mga Chekwa, malalagkit ang tingin.
4:38 pm
5/25/23
0 notes
Text
PITX
- Isinulat noong Pebrero 27, 2022 - Height of the Pandemic.
Nakaka-miss rin pala iyong init ng araw sa labas. Iyong nasa lilim ka, para makatakas sa araw o ng ultra-violet rays. Iyung mga kwento sa jeepney, iba't ibang taong nakakasalamuha. Yung tunog ng makina ng mga lumang pampasaherong jeep na parang sumisigaw na parang halimaw na nagsisimula palang humanap ng kakainin niyang pasahero. Iyong sigaw ng tsuper kapag papaalis na yung jeep, tapos nangongolekta pa-unti-unti para safe sa mga 123. Iyong tunog ng brakes ng mga bus na nagsisiikutan sa station. Iyong mga tunog ng bakal sa pagpitik sa iba't ibang parte ng jeep o pag
"Oh Magallanes, Magallanes!" sabi niya.
Nakaka-miss.
0 notes
Text
Diagnosis
Hi readers,
Now playing: Danny's Song
Sunday 2/19/2023
A day after my endoscopy procedure. Findings? Laryngeal polyps a.k.a. vocal cord polyps (bukol) at too-tight na tonsils. Not so alarming nor deadly ngayon but later on, it may, if lumaki ang bukol. In my case, di pa naman raw ganon kalaki dahil kung malaki na masyado 'yun if ever, baka raw di na ako nakakapagsalita at nakakahinga nang maayos ngayon. Buti naman hindi pa ganoon kalaki. 11k ang nagastos sa endoscopy procedure which lasted for almost 5-10 mins lang. then doctor's fee na 3500, then meds (steroids + for my acid) na halos 50+ each ang halaga kada tablet. Buti nalang nagamit ko ang PhilHealth ko, kasi kung hindi, talagang di kami tutuloy ni mama sa procedure.
Next step ko after the diagnosis ay nasa sa akin na - ipapasurgery ko para matanggal kung kailan ako ready. Magdecide raw ako at ieendorse ako ng endo ko sa general operation/surgery kasi major surgery raw ang gagawin sa case ko. Kung need ng immediate action? Hindi naman raw, at di pa naman ganoon kalaki at nakakapagsalita pa ako kahit papaano, although paos talaga kahit speaking voice ko. Cancerous? Hindi pa raw masasabi ng endo ko not unless ipagalaw ko na mismo yung bukol. Pero cancerous or not, need talaga ipatanggal. Risks/complications after surgery? Ang risks ay hindi raw sigurado o 100% sure na maibabalik sa dati ang range, pitch ng boses ko, kung raspy pa rin ba after, o biglang mababago na entirely ang boses. Another risk ay since major surgery at open mouth ang procedure at hindi sa neck, syempre ang tendency ay baka magalaw ang ibang gland/part ng lalamunan na malapit sa vocal cord, at pwedeng madamage iyon. Another risk ay baka nga nagdedevelop na yung polyps into something bigger at baka may iba nang part sa lalamunan na madali at magswell o magasgas.
Realizations? Siguro ay alagaan lang ang boses kahit bata pa. Sa case ko naman, hindi ko kasi nacontrol ang boses ko simula nung nag college ako at teaching pa ang kinuha kong course, na obviously, nagdedemand talaga na magsalita nang magsalita. Baka dahil doon.
What-ifs? Siguro ang tanging what-if ko lang ay what-if di ako nag-education nung college, na hindi ko naman talaga nakikita ang sarili kong masaya up until now kasi medyo lost pa ako sa pathway ko. Imagine, I was supposed to be deployed na sa public school this year 2023, at due to a series of unfortunate events, kagaya ng initial medical sa DepEd kung saan ako scnreen bago ko magstart sa DepEd ay napansin ng doctor doon yung early symptoms ng thyroid problems, hence got requested to have my thyroid checked (TSH, TT3, TT4, FT3, FT4 + ECG + thyroid ultrasound) all to find out na normal ang results, tapos sa vocal cord ko pala talaga ang problema. Siguro, itong mga instances na 'to ay sinadya talaga akong i-lead sa mismong sakit ko, which is yung vocal cords ko na may bukol na pala. Okay na rin na nangyari ang mga ito, na hindi ako natuloy sa DepEd dahil kung natuloy man ako, di ko rin siguro maibibigay 'yung best abilities ko para sa mga students ko lalo na in terms of communication, at baka mas lalo pang lumala 'yung vocal cord problems ko kung masstrain ko nang masstrain ang boses ko.
Still, thankful ako sa pamilya ko at kay J. Mula sa day 1 ng bloodtests kong paulit-ulit para sa possible thyroid problems na hindi naman pala talaga thyroid, sa pabalik-balik ko with J at mama sa diagnostic labs kahit mahal ang mga tests para lang malaman ang sakit ko. Sa kuya kong binayaran at babayaran pa (surgery, if ever makapagdecide na ako at buo na loob ko), never ako nakarinig ng reklamo o sama ng loob sa kanya. Bigay lang siya nang bigay dahil alam niyang para naman sa kalusugan iyon. Kahit ilang balik ako sa ospital, clinic, bili ng gamot, lahat, suportado niya. At siya pa ang nagsabi sakin agad na ipatanggal ko na kung ang pinproblema ko lang ay pera. Sobrang salamat sa buhay ng kuya ko.
Salamat rin sa mama ko na sana ay kasama ko na rin ngayon sa DepEd at co-teachers na dapat kami kaso dahil sa nangyari nga sa akin ay hindi na muna. Alam kong excited na excited siyang maging ganap na guro na ako sa public, pero alam niya ring importante ang kalusugan. Pahinga raw muna ako at ayos lang raw iyon. Salamat po sa buhay ng mama ko. Higit niyo pa pong pakahabaan ang buhay ni Mama at ng mga mahal ko sa buhay, kahit umikli na po ang akin, basta po sila ay mas mahaba pa ang buhay dahil marami pa po silang dapat maranasan na magagandang bagay sa buhay, Panginoon.
Salamat kay J sa pagsama sa akin, pagsagot muna sa medical bills at tests kapag nashshort ako on the spot, kahit puyat siya sa work dahil night-shift siya at usually ay tanghali ang schedule ko lagi sa hospital, talagang sinasamahan niya ako. Salamat po sa buhay niya, Panginoon.
Sa mga kapatid kong bagamat hirap rin sa pag-aaral, sa pagiging gipit ni mama minsan sa mga baon at expenses nila ay natitiiis nila at naiintindihan nila ang sitwasyon namin ngayong may pinagdadaanan ako. Salamat sa pagkakaroon ng mga mababait at mauunawaing mga kapatid, Panginoon.
At sa mga aso ko, Pichi, Oreo, Bingo, Cielo, Jacky, at ang mga pusang kinupkop kong mula sa pagiging malnourished ay mataba na ngayon, maraming salamat po sa mga malulusog nilang buhay. Mahal ko po sila at sila po ang nagbibigay rin ng kulay sa buhay ko kahit na nadodown ako palagi, isang yakap lang sa kanila ay talagang gumagaan ang loob ko. Sana'y habaan pa po ninyo ang buhay nila, Panginoon.
Salamat, Panginoon, bagamat di ako palagiang nalapit sa inyo at naging huwad ako at di lubos na kumakausap sa inyo, at kapag may problema lang ako nalapit, ay di niyo pa rin ako pinapabayaan. Ang dami kong pagkukulang, kahinaan ng loob, at reklamo, pero hindi niyo ako tinalikuran, bagkus ay tinanggap niyo pa rin ako, at alam kong mahal niyo kami ng pamilya ko, Panginoon. Maraming salamat po. Lalo na kapag humihingi ako ng 'signs' sa inyo sa mga dasal ko, ay talagang pinapakita niyo iyon.
Huling hiling ko lang po ay ang Papa ko. Sana po ay magbago na siya at magkaroon ng inspirasyon at direksyon sa buhay para magsumikap pa. 50 na ang papa ko ngayong taon at mahal ko ang papa ko kahit ganon ang ginawa niya sa amin. Sana ay hilumin niyo ang puso niya at tulungan siyang magkaroon ng tapang at tatag ng loob para magbagong-buhay habang di pa huli ang lahat. Babawi rin ako sa kanya.
At sa lola ko po, sana ay habaan niyo pa po ang kaniyang buhay. 74 na po siya ngayon at malakas pa rin talagang tunay. Bagamat marami rin siyang pagkukulang sa mga anak niya, sa mga byenan, lalo sa kalinga sa mga apo, naging lola pa rin siya sa amin, at matatakbuhan namin kapag kami'y walang wala. Mahal namin si Lola Mila. Sana ay humaba pa ang buhay niya at babawi pa ako sa kanya. Maraming salamat, Panginoon.
Salamat, Lord. Maraming salamat!
1 note
·
View note
Text
Ugh.. Lord help me. Pagod na po ako. đ„Č
0 notes
Text
Aminado naman akong hindi ako mabuting anak, dahil hindi ko napupunan yung mga expectations sakin ng mga magulang ko,lagi na lang may mali sakin, wish ko nga sana may parang app where in you can make a clone of you, but better. nakakairita lang kasi talaga. Kaya minsan napapaisip ako sa kawalan ko ng jowa, eto ba? ito siguro ang karma ko sa pagiging masamang anak, ito na siguro yung way ng pagbabayad ko
#tagalog quotes#love life#love song#love quote#quote#life quote#life quotes#buhay amerika#buhay sa amerika#buhay ofw#kwentong buhay#tangina 2022#tangina#punyeta#random shit
1 note
·
View note
Text
May 18, 2024 | Tarlac City
Monasterio de Tarlac ⹠Sitio Baag View Deck ⹠Cafétana PH
There's really no dull moments when I'm with these folks. I'm beyond grateful to have them in my life and this is something that I'll treasure forever.
This was my second time in Sitio Baag at nakakatuwa lang na lahat pala kami may kanya kanyang kwento sa lugar na 'to. We're just like "so anong kwentong Baag mo?" hahaha. Sobrang busog na busog na naman yung mga mata ko sa mga tanawin kahapon and gosh I'm still in awe. Pati puso ko tuwang tuwa talaga for some reason and I can't even explain.
Lord, sobra sobra na po ito for this year and I'm really thankful. Deserve ko naman pala yung sobra sobra đ Thank you for this ppl, for this friendships, salamat ng marami sa buhay na pinagkaloob mo sa 'min. Pls continue to bless their good heart.
11 notes
·
View notes
Text
AKALA
Flash Fiction
Siya si Jing, isang dalagang makulit, masiyahin, pala-kaibigan, at higit sa lahat, mapagmahal. Mapagmahal sa kanyang mga magulang pati na sa kanyang mga kaibigan. Siyaây may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya pati na sa sarili. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil kahit simple lang ang kanilang buhay, nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw hindi pa kasama ang meryenda sa hapon. Naibibigay rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangangailangan sa paaralan. Sa kaibigan naman, may tatlo siyang matatalik na kaibigan mula pagkabata na talaga namang nagiging sandalan niya sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob. Kayaât masasabing maswerte siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung kwentong pag-ibig ang pag-uusapan, ewan ko na lang kung maswerte pa rin siya dahil hindi siya gusto ng taong gusto niya. Maganda naman siya, masipag at mabait ngunit bakit hindi siya gusto ng gusto niya? O talaga yatang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig.
Dahil dito, minsan napapaisip siya kung kailan darating ang taong magmamahal sa kanya nang lubos. Nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil parang wala ng darating na matinong lalaki na iibig sa kanya. Napapa-sana all na lang siya tuwing may nakikitang magkasintahang magkahawak-kamay sa mga pampublikong lugar. âWhen kayaâ ang laging sambit tuwing nakakakita ng babaeng may hawak na kumpol ng rosas na bigay ang kasintahan. Ngunit ang totoo ay minsan na siyang umibig nang totoo, gusto nila ang isaât isa ngunit ayaw pa ng lalaki na mag-commit sa seryosong relasyon. Habang siya, gusto na niya. Umasa siya na magkakaroon ng sila, pero hindi pala. Kayaât linakasan niya ang kanyang loob na wakasan kung anong meron sila kahit wala naman silang nasimulan. Pinutol niya ang kanilang komunikasyon kahit mahirap at hindi na nagparamdam pa. Sobra siyang nasaktan, dahil akala niya siya na, akala niya hindi na siya magsa-sana all at when kaya. Dahil dito, hindi niya maiwasang maging bitter lalo na kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan na masaya sa kani-kanilang relasyon. Masaya nga ba sila?
Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya ang tungkol sa pag-ibig at ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at pagiging mabuting anak. Kaya siguro wala pa siyang kasintahan ay ayaw pa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na pumasok sa relasyon. May mga nagiging crush pa rin naman siya ngunit hanggang doon na lamang. Kontento na siya sa pasimpleng sulyap sa tuwing naglalakad sa hallway ang kanyang crush. Dahil sa naging karanasan niya noon, parang nawalan na rin siya ng gana tungkol sa pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magmamahal sa kanya nang higit pa sa kanyang pagmamahal.
Ngunit akala lang pala niya. Dahil isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumulpot na parang kabute ang dati niyang kaklase noong high school, si Cy. Isang binatang makulit at mapagmahal na anak. Bigla na lamang itong nag-chat kay Jing at kinukumusta ito hanggang sa araw-araw na silang magkausap. Dahil magkaklase sila noong high school, lagi nilang inaalala ang mga araw na laging inaasar at kinulit ni Cy si Jing. Lingid sa kaalaman ni Jing, may pagtingin pala si Cy noon sa kanya. Naalala rin nila kung paano naging kulay kamatis ang mukha ni Jing noong binigyan siya ni Cy ng isang pulang rosas. Siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap hanggang sa umamin si Cy na nahuhulog ang kanyang loob kay Jing sa pangalawang pagkakataon. Gustong siya nitong ligawan pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sinabi niya na hindi pa ito handa dahil sa naging karanasan niya at ayaw niya itong maulit. Ngunit buo ang loob ni Cy na hintayin niya ito hanggang sa pwede na. Kahit na hindi pa pumayag si Jing na magpaligaw ay linigawan pa rin siya ni Cy. Kahit na nasa ibang bansa ito ay gumagawa siya ng paraan upang maipakita at maipadama niya ang kanyang pag-ibig kagaya ng pagpapadala ng bulaklak at mga tsokolate sa tulong ng kanila ring kaibigan. Kahit na magkalayo ay pinapadama ni Cy na mahalaga si Jing sa kanyang buhay, na hindi hadlang ang distansya sa kanyang pag-ibig.
Hanggang sa isang araw, ibinalita ni Cy na uuwi siya at magbabakasyon sa Pilipinas. Magkahalong reaksyon ang nadama ni Jing. Tuwa na may kasamang kaba dahil sa wakas magkikita na sila matapos ang anim na taon ng hindi pagkikita. Sinabi ni Jing sa kanyang ina na may nanliligaw sa kanya at uuwi ito at magbabakasyon.
Dumating ang araw na nasa Pilipinas na si Cy. Agad siyang nakipag-kita kay Jing at hindi matumbasan ang saya nilang dalawa. Pinakilala ni Jing si Cy sa kanyang mga magulang. Nagustuhan nila ito kayaât lagi na itong dumadalaw sa kanilang bahay. Sinagot na rin ni Jing si Cy kayaât sobrang saya ni Cy nang malaman ito. Minsan ay pinagpapaalam niya sa magulang ni Jing na mamamasyal sila. Naging masaya ang naging bakasyon ni Cy dahil nakasama niya si Jing at ang kanyang pamilya. Sinulit nilang ang bawat minuto na sila ay magkasama.
Hanggang sa sumapit na ang araw na babalik si Cy sa ibang bansa. Mabigat man sa kalooban ay masaya pa rin ang isaât isa dahil sa kaunting panahon ay nagkasama sila. Bago sumakay sa bus si Cy ay niyakap niya nang mahigpit si Jing at sinabing âBabalik ako, hintayin mo ako hanggang sa magkasama na ulit tayo. Kaya natin âto mahal. Mahal na mahal kitaâ. âHihintayin kita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kitaâ. Mangiyak-iyak na wika ni Jing. Sa ngayon ay hinihintay nila ang pagkakataon na magkikita at magkakasama silang muli. Akala ni Jing hindi na siya magmamahal pa, pero dahil kay Cy ay naniwala ulit siya na mayroon pa palang matinong lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa akala niya. Â
2 notes
·
View notes
Text
Ako naman.
Masayang makihalubilo sa kanila, lalo na 'pag ang panahon ay kakaiba. Walang hinto ang pagsabi ng "oo" kahit pagod na, itutuloy pa rin ang pagtawa kahit may pangamba. Ako naman.
Sa pagsara ng kurtina ng kaganapan, ang langit at lupa ay muli ka na naman pinagsakluban. Ang buhay na parang gulong, hindi ba maaaring magdahan-dahan? Ako naman. Oo.
Ako, ang taong pabaya, ang taong walang ibang hiniling kundi magpasaya. Wala eh, ganun talaga pag hindi mo nakasanayan isipin ang sarili kesa sa iba. Ako o sila, kayo o ako, hindi na dapat tanungin 'yan diba?
Kamusta na ba ko? Ako naman kaya? Wag na. Ganun din naman. Depresyon na pala ang aking natuluyan nang ako'y maligaw sa mga salitang "walang anuman". Ako naman.
Ako naman sana ang kamustahin, ako naman sana ang tanungin. Dahil hindi na alam kung ano pa ang dapat gawin, sa matagal na panahon na aking pasanin.
Ang aking ulo ay aking itutungo, at ang luha at lungkot ay pilit na itatago. Kasabay ng pag ngiti sa harap ng maraming tao.
Iiyak, tatawa, di ko na alam ang dapat na maramdaman pa. Sa kalungkutan na aking nadarama, gustong gusto ko na sumuko talaga. Ipipikit ang mga mata at hihintaying iwanan na ng sariling hininga, katulad ng pang iiwan na ginawa nila.
Sana sa pagkakataon na 'yon ay may makapansin. Na ginawa ko ang ang lahat upang hindi balewalain. Ginawa ang lahat para maging tunay at hindi alisin, ang mga ala-ala at ngit na aking inihain. Upang sa ganon, ako'y hihimlay at sasabay na lang sa hangin.
Salamat sa babaeng manunulat na naging basehan ko ng mga linya. Pasensya na kung may mga linyang saktong sakto sa mga kataga mo, sakto din kasi sa kwentong nais kong ihayag.
5 notes
·
View notes
Text
One of my housemates woke me up at middle of the night the other day because our housemate received a bad news back home from their country (in Kenya) that his father passed away. She was crying so hard that Shameika (my Jamaican housemate) asked me what to say and do, weâre all nurses but at that moment there really isnât anything I can say nor do to make the situation or how Joan feel better.
I said thereâs really nothing we can say, but we can at least stay with her. I went down on the floor and hugged her in silence. I come up with the idea to call her aunt who lives in another City which is probably 3 hours away from ours (from Northampton to Oxford), to pick her up as we need to also go to work later on. I asked Shams to stay with her and just come to work later once Joanâs relatives come to pick her up, It was supposed to be Joan and Iâs shift but obviously led me to worked alone as the in charge in the Nursing Home.
She once took me to stay with their family for a couple of days as one of her cousins graduated from Uni, and theyâre such lovely and nice people. Joanâs father was just 51 years old and the death was so sudden, canât imagine how painful to receive such kind of news especially that sheâs far from her family.
The more this kind of events happens around me the more that I wanted to make sure I get to go home at least once in a year. Sabi ko sa sarili ko na kahit it would cost me a grand to fly back home, thatâs the most necessary thing for me to do. Itâs sad that now pakiramdam ko I have to invest so much just for me to be able to spend time with my loved ones. But then it is what it is. My parents are aging and I feel like Iâm already missing so much with their daily lives including seeing my sister grow to a fine lady that she is now. She used to be very dependent to me nun nasa Pinas pa ako, which made me so worried and afraid when I left. But seeing her now, I couldnât be more proud of the independent person that she became.
I donât want to regret one day in the future that I didnât take my chance to spend with my family especially my parents. Money can be earned but the time missed with loved ones cannot, once itâs gone, itâs gone and no way you can get back to it.
7 notes
·
View notes
Text
It's been raining in Manila.
ang tagal ko ng wala sa hometown ko. mag tatatlong taon na, minsan pag umuuwi ako ng Manila. natatakot na ako dahil unti-unti na akong na un familiarized dito. mabilis mag bago ang itsura ng Manila. parang hindi makasabay ang panahon dito. kung ano binagal minsan ng oras ganoon kabilis ang ikot dito.
Manila is where my heart is, kung ano ang iningay ng umaga dito ay siya rin ikinakulay ng gabi. marami ka mapupulot na kwento dito. kakaiba, malalim at puno ng nakakamangha na istorya. sa araw-araw mo na pag lalakad o pag byahe dito. imposibleng hindi ka makakuha ng kwento. imposibleng walang kwentong Manila. bawat sulok nito ay kakapulutan ng kung ano (tulad ng basura hehe jk). madumi man ang hangin. marami man ang masasamang loob at maraming di rin ka aya-ayang lugar. ang Manila ang sentro ng lahat ultimo sa kalakaran noong una pang panahon.Â
LRT at MRT, isa rin ito sa mga nag dudugtong sa pusod ng Metro Manila. sino nga ba ang hindi nakasakay dito? na hindi naiisip minsan ang buhay nya ay parang isang pelikula o para siyang nasa isang music video. lalo na pag nakasaksak na ang earphones sa mag kabilang tenga. napaka sentimental ng lugar na ito. marami na nga ang nag pakamatay dito. medyo nakakatakot nga lang lol. pero ang mga tren na ito ang naging sandalan ng mga tao na nag tratrabaho/estudyante ng Manila. although minsan nakaka-badtrip lang kapag mahina ang aircon at siksikan. minsan pa nga ay nasisiraan sa kalagitnaan ng byahe. pero ang laking ginhawa nito lalo na sa malupit na traffic.
ang mga streets ng Manila ay hindi pare-pareho. may delikado, safe, masaya at malungkot. masarap mag lakad sa Manila. mapa umaga man o gabi. marami ka mapupuntahan na pwede mo lang lakarin hindi mo na kailangan bumyahe ng marami pang sasakyan. kahit siguro bente lang pera mo ay mabubuhay ka na dito. lahat ng cravings mo mabilis mo lang makakain dahil napaka dali lang puntahan ng mga kainan at pasyalan dito. nandito rin ang mga nag lalakihan na mga Malls. hinding hindi ka mababagot sa Manila.Â
kapag umuulan naman sa Manila. nakakatakot dahil asahan mo na ang mabilisan na pag baha saan man sulok ng lugar. lagpas tuhod minsan naman ay hanggang bewang. sa loob at labas ng bahay yan. wala kang ligtas sa baha sa Manila. talaga naman nakakaawa ang mga pauwi ng kanilang mga bahay galing trabaho kapag naabutan ng ulan.Â
isa din sa mamimiss mo sa Manila ay ang mga marites. mga walking CCTV. mga matang nakatitig na akala mo kung makatingin ay buklat na buklat na ang pagkatao. mas alam pa nila yung istorya mo kesa sa sarili mo. pero ang magandang dulot naman nito ay walang masyadong nagiging biktima ng mga massacre dito. dahil makarinig man sila agad ng konting sigaw ay tiyak mapapabukas na ng mga bintana yan. ang iba ay lalabas at mag uusisa talaga hanggang sa tatawag na ng barangay.Â
iba ang energy ng mga taga Manila. masaya sila kasama, akala mo walang bukas kung mag walwal. akala mo walang mga problema na iniinda. Bold ang mga Manilenyo, transparent sila sa mga buhay nila. Happy go lucky at creative. dito naka imbento ng pisonet,corn dog at kung ano-ano pa. madali mag business sa Manila. walang permit yung iba lol. kaya kahit tignan mong ganyan lang sila mga naka-iphone yan, isama mo na yung mga snatcher at holdaper sa diskarte lol.Â
"Simply no place like Manila" mula sa kanta ng Hotdog. totoo talaga walang katulad. para nga daw babae ang Manila, binabalik-balikan. parang babae ang manila. sa kakumplikado nito lol jk. marami rin na ngangarap ang tumira dito. at isa na rin ako doon sa gustong bumalik pag dating ng araw.Â
3 notes
·
View notes
Text
Repleksyon sa Bigat ng "Ang Bigote ng Tigre"
Para sa konteksto,
nagsimula ang kwento kay Yun Ok na nag aalala sa kanyang asawa dahil parang ibang tao ito simula nang bumalik ito sa digmaan.
Si Yun Ok ay lumapit sa ermitanyo para itanong kung may lunas ba sa kakaibang ugali ng asawa niya. Ang ermitanyo ay nag aalok ng isang remedyo ngunit nangangailangan ng bigote ng isang buhay na tigre.
Nagaalala si Yun Ok kung paano niya makukuha ang bigote ng tigre. Gayunman, sa maraming oras at pagsisikap, naamo niya ang tigre at naalis ang kanyang unang takot sa hayop.
Bumalik siya sa ermitanyo na may ningning ng pagkuha ng bigote mula sa isang buhay na tigre. Inihayag ng ermitanyo na ang bigote ay walang halaga at ang remedyo ay ang kanyang determinasyon na harapin ang isang nakakatakot na sitwasyon. Handa na si Yun Ok na alagaan ang kanyang asawa.
Personal na Replektibo:
Simple lang ang aral ng kwentong ito subalit masalimuot ang subtext. Mula sa impormasyong na maidudulot sa kwento, maaari nating ipagpalagay na ang asawa ni Yun Ok ay nagdurusa sa PTSD at shellshocked nang bumalik siya mula sa digmaan.
Ipinapakita nito ang masamang epekto ng digmaan kahit nasa labas nito, kung paano natin ito makikita sa ating tahanan at sa ating kaisipan.
Si Yun Ok ay takot na takot sa kanyang asawa na mas gusto pa niya ilagay sa panganib ang kanyang buhay upang harapin ang isang tigre.
Tila hindi makatarungan, ngunit ito ay kumakatawan sa kung paano sa realidad ang mga sakit sa isip ay tinitignan na may diskriminasyon at nakakatok na maaaring maihahalintulad ito sa isang mabangis na halimaw.
Gayunpaman, tulad ng mabangis na hayop sa kwento, matututo tayong maging matiyaga at nagmamalasakit sa kanila hanggang sa mapagtanto natin ang nilalang sa likod ng takot. Isang taong dapat pagsikapan, at isang taong nangangailangan ng pasensya, pagmamahal, at tulong natin.
2 notes
·
View notes
Text
FEATURE: Atin Siyang Salubungin: âPrinsipe Bahaghariâ ng Teatrong Mulat
âMay mga umaawit na gumamela? Mga nagsasalitang ahas at pusa? Lumilipad na papet? Niloloko mo ba ako kaibigan?â Abaây hindi! Natunghayan namin mismo ang mahiwagang pagtatanghal ng ating mga kaibigan mula sa Teatrong Mulat ng Pilipinas.
Anong pagtatanghal? Syempre, ano pa ba kundi ang Prinsipe Bahaghari! Nais mo ba silang makilala?
SAAN TAYO PATUNGO?
Hango sa klasikal na kwentong pambata na âThe Little Princeâ ni Antoine de Sainte-Exupery, ang kwento ng ating munting prinsipe ay muling binigyang-buhay ng Teatro Mulat. Sa halip na sa disyerto ng Sahara, dadalhin tayo ni Prinsipe Bahaghari sa Pilipinas upang pagmasdan ang mga hardin ng gumamela. Sino bang hindi masasabik na umawit kasama ang bagong kaibigang si Kwentista, ang mga tala, hari, at nilalang na namamalagi sa ating bayan?
Itinampok sa âPrinsipe Bahaghariâ ang pagmamahal ng prinsipe sa kaniyang gumamela matapos maglakbay sa ibaât ibang mundo, at kilalanin ang ibaât ibang mga hari. May kabagalan man ang ilang bahagi ng dula, gaya ng pakikisalamuha sa mga hari, sila namaây bumalik kasama ang mga tagpong nakakapagpabagabag! Paano nga ba umusbong ang produksyon ng gayong istorya at pagtatanghal?
ANG ATING MGA GABAY
Taong 2019 nang unang tinahak ng Teatrong Mulat ang unang mga hakbang sa pagbuo ng dula na isinulat ni Vladimeir Gonzales, sa ilalim ng direksyon ni Aina Ramolete at ng producer at assistant director na si Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete. Kalaunan, ito ay nakalipad sa kauna-unahang pagkakataon sa online dulaan noong pandemya. At ngayong taon, muling sumabak sa paglalakbay si Prinsipe Bahaghari, at natunghayan na natin siya sa pisikal na entablado. Tunay na nga ito, kaibigan!
NGUNIT SINO NGA BA ANG TEATRONG MULAT?
Bilang pinakaunang Teatro Papet Museo sa bansa, ibinibida ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang mga sining, alamat, at kwentong-bayan mula sa ibaât ibang lugar sa Asya. Kinikilala din ang kanilang galing sa paglahok sa samot-saring paligsahan sa buong mundo. Batid niyo bang ginawaran din bilang National Artist noong 2018 ang founder nito na si Amelia Lapeña-Bonifacio? Bukod pa rito, madalas din silang makikita sa mga gawaing pampamayanan kasama ang mga organisasyong tulad ng HELP Learning Center Foundation at UNICEF.
Alam mo ba na bukod sa Prinsipe Bahaghari, marami na ring isinagawang programa ang Teatrong Mulat sa mga nagdaang taon! Ang ilan sa mga ito ay ang âDalawang Bayaniâ (1996) at âAng Pagong at ang Tsonggoâ (1977).
MGA BAGONG KAIBIGAN
Pinaliligiran ng sining at musika ang mundo ng Prinsipe Bahaghari. Bilang mga pangunahing tauhan, sa mga papet ibinuhos ng produksyon ang kanilang galing at kakayanang pansiningâmula sa pagkulay at pagguhit, paglalaro ng mga ilaw, hanggang sa pagsulat ng mga dayalogoât awit. Kaya naman, ating kilalanin ang ilan sa mga tao sa likod ng dula!
Tinampok sa dula ang mga tauhang puppeteers. Una na rito si Prinsipe Bahaghari, na siyang pinagalaw nina Arvy Dimaculangan, Jeremy Bravo, at Sig Pecho. Binuhay naman nina Shenn Apilado, Karlo Erfe, at Harvey Rebaya Sallador ang karakter na si Kuwentista. Para sa mga hayop, ang Pusa ay pinagalaw nina Mary Allen Asuncion, Ravelyn Emerald Dar Juan, at Cian Jes Avendaño, at si Mary Allen Asuncion naman sa Ahas. Hindi rin magpapahuli si Ravelyn Emerald Dar Juan sa pagbibigay-buhay sa tauhang si Gumamela.
Para naman sa grupong sining-biswal, pinangunahan ito ni Aina Ramolete, ang direktor at isang alumni ng UPIS. Isa rin siya sa mga mangguguhit at pangkalahatang production designer ng dula. Nilikha naman ni Clariz Caingat ang mga tauhan sa istorya, at binuhay ni Napoleon B. Rivera Jr. ang mga bidang papet. Si Steven Tansiongco naman ang nagsilbing graphics and video designer, habang si Gabo Tolentino ang tumayo bilang lights designer.
Sandali, mayroon pa! Hindi rin malilimutan ang mga sumulat at bumuo ng nakatutuwang awit na sina Arvy Dimaculangan, ang music and sound designer na galing ding UPIS, at si Jessamae Gabon, ang music composer. Naging boses ng batang prinsipe si Kherwind Zane Duron, habang isinatinig naman ni Ron Capinding ang Kuwentista. Ngunit, tandaan: marami pang mahuhusay na kaibigang sa likod nitong tanghalan!
Kung nais niyo pang tangkilikin ang kanilang mga proyekto, may publikasyon inilimbag ang Teatro ukol sa kanilang proseso ng pagbuo ng dula! Naku, hindi niyo ito nanaising palampasin! Ayon sa playwright, inaanyayahan nila tayong basahin ang kanilang librong pinamagatang âAng Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari,â sa Philippine Writers Series ng UP Press at Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Matatagpuan ang kanilang teatro sa Amelia-Lapeña Bonifacio Theatre sa Quezon City at maaari niyo ring bisitahin ang kanilang social media sa Instagram (@mulatpuppets) at Facebook (Teatrong Mulat ng Pilipinas).
MGA TALANG NAGNININGNING
Naramdaman sa buong dula ang kahalagahan ng mga relasyong ito at ang pagkakabuklod natin sa isaât isa. Sa katotohanan, unang nagkaroon ng anyo ang istorya mula sa kakilala ni Gonzales na kapwa-manlilikha sa UP, at kamag-anak din pala ng isa sa kaniyang mga unofficial mentor sa sining ng dulaan.
Makikita din ang temang ito sa direksyon ni Direk Aina. Ninais niyang gawing isang pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay ang dula. Halimbawa nito ang kaniyang lola na nagbigay ng inspirasyon para sa tauhang si Kwentista, gayundin ang kaniyang kaibigang si Edel, na isa nang talang kumikislap sa kalangitan. Bukod dito, handog din ng direktor ang kwento sa ating mga hindi malilimutang panahon ng kabataan na nananalaytay pa rin sa ating mga puso at diwa.
HALINAâT SIMULA NA NATIN ANG ATING PAGLAKBAY!
Pagdating sa mismong dula, aba, pakiramdam namin ay bumalik kami sa aming pagkabata! Hindi ito dahil sinasabi naming pambata lang ang mga papet! Kundi dahil tunay na kahanga-hanga ang mga larawan at tagpo ng mismong palabas.
Maliit ang entablado ng Teatrong Mulat, gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa mga ipinamalas na sining biswal at set design. Ang mismong tanghalan ay binubuo ng ibaât ibang hugis at istruktura na yari sa mga piraso ng katsa at kahoy. Gamit ang projector, inilapat ang mga larawan, salita, shadow puppets, at iba pang special effects na ipinakita sa teatro. Sa bandang gitna, may makikitang bilugang butas na naging sentro sa mga eksenang itinanghal. Gayundin, hindi nagmistulang maliit ang espasyo at nagawa nilang pagalawin ang mga papet habang silaây nagbibiruan at nagsasayawan sa entablado. Ang lahat ng mga elementong ito ay nagbunga sa isang nakamamanghang pagtatanghal.
MGA PAPET NA LIKHA, NAKATUTUWA!
Ay, ang mga papet! Ang ating mga bida, hindi lang sa kwento kundi sa buong dula! Gawa sa rattan ang mga papet at kadalasaây braso, ulo, at binti lamang ang gumagalaw na parte ng kanilang katawan. At isa pa, hindi sila nakapirmi lang sa isang pwesto! Sa isang papet, tatlong papetir ang nagmamando upang maging malaya ang ating mga kaibigan sa paggamit ng buong entablado. Kaya kahit hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang mukha, punong-puno pa rin ng buhay ang mga papet. Isa sa mga paborito namin ay ang Pusa dahil tunay ngang malapusa kung gumalaw ito mula sa paglalakad hanggang sa pagkamot sa sariling katawan gamit ang mga paa, hindi mo mapipigilan ang sariling mapatili sa tuwa!
Nakuha naman ang loob ng mga manonood mula sa pagsasatinig sa mga tauhan pati na ng mga orihinal na kantang pinatugtog sa dula. Ubod ng husay! Talagang bibilib ka sa mga madamdaming boses sa kanilang pagpapahayag ng mga linya ng mga karakter! Kahit na medyo makaluma ang estilo ng kanilang dayalogo, hahalakhak ka pa rin sa binibitawan nilang mga biroâlalo na sa mga biro ng Kuwentista! Masigasig ang kaniyang paglalahad ng mga kwento at punong-puno ito ng karakter. Ganoon din ang ating munting prinsipe! Tiyak na ikaây maaaliw sa usapan at kalokohang namagitan sa kanilang dalawa. Mula umpisa hanggang dulo, mapupukaw ang iyong atensyon sa magandang interaksyon ng dalawang pangunahing tauhan.
At kung itoây kulang pa, tiyak na mapapasabay ka naman sa mga awit at alindog ng mga haring nakilala ni Prinsipe Bahaghari!
ANG KANILANG MGA KWENTO
Syempre, hindi magpapahuli ang mismong kwento ni Prinsipe Bahaghari. Ang kwento ng buong dula ay punong-puno ng emosyon, tulad ng pagmamahal at pangungulila, at mas pinaangat ito ng huling tagpo nang pinaalala nila sa atin na kailangan natin magparaya at huwag ibaon ang sarili sa dalamhati. Makikita sa mga papet ang kalinga ng bawat tao sa likod ng produksyon dahil nais nilang iparamdam, ika nga ng prinsipe, na binabago tayo ayon sa pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa huli, ang inyong samahan at oras na ginugugol para sa isaât isa ang nagpapabukod-tangi sa inyo mula sa iba.
Pinalalim pa ito ng paggunita at dedikasyon sa wakas ng pagtatanghalââPara Kay Edel.â Ramdam mo na ibinuhos ng Teatrong Mulat ang kanilang pagmamahal at taos-pusong pagsisikap para lamang ihandog ang dula sa isang kaibigang wala na sa ating piling. Naging malamlam man ang pagpapatuloy, hinangad nilang maipakilala sa mga tao ang mahal na kaibigan, na tulad ni Prinsipe Bahaghari, maraming naituro at binago sa kanila. Gaya nga sa dula, silaây tumitingala sa mga bituwin sa kalangitan, hinihiling na sanaây nakauwi at nakakapagpahinga na ang kanilang kaibigan.
SA MULING PAGKIKITA, KAIBIGAN!
Masasabi naming binago kami ng Teatro sa ipinamalas nilang talento at sa paghandog sa amin ng aliw at pagmamahal. Talagang nanaisin mong balikan ang mga tinahak na mga planeta at kamustahin ang mga kaibigang nabuo sa kwento ng batang prinsipe! Kaya, mga kaibigan, kayoây aming iniimbitahan na kamustahin ang mga makata at manlilikha ng Teatrong Mulat! Hindi-hinding niyo ito pagsisisihan. Hanggang sa susunod na paglipad, paalam! // nina Zaeda Wadi at Eda White
4 notes
·
View notes
Note
Ikaw yung habang buhay ko na âpaano kung..â
Jusko di ko alam kung deserve kita, bakit ganon andami kong takot sayo, na paano kung yung landian matuloy sa totoong love, tapos ikaw marealize mo na pang landi lang ako? Napaka bait mo sakin grabe napaka sarap mo kausap and you treat me so well, feeling ko ma o obsess ako sayo pag tinuluyan ko yung âpaano kung..â natin.
Gang anon nalang talaga feelings ko na toh.
Lagi naman ganon "hindi kita deserve" dahil sa mga kaya kong ibigay at gawin. Kaya sa huli magkaibigan na lang ang pipiliin. Yung nakadate ko nitong huli kahit yung iba pang minahal, nakalandian at nakausap puro na lang ganon. Kailan na naman kaya yung "deserve kita"? Puta parang gawa gawa na lang ng illuminati yang pag-ibig na yan.
Pagod na akong umibig lagi ko yan sinasabi pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako umaasa na may taong kayang umunawa at umintindi ng buong pagkatao ko, ng mga karanasan ko at ng mga kwentong hindi ko mailabas labas sa ibang nakapaligid sa akin. Napakahirap magpatuloy. Nakakapagod mag-isa.
7 notes
·
View notes